Rito po lamang

Rito po lamang...Only here. Only here will you find these things...establishments...foods...events and happenings...tradition and culture...norms and ways...of rare and distinct character which is truly owned Morong style.

Tuesday, January 30, 2007

ONLY IN MORONG






TRULY MADE IN MORONG. rito mo lamang matatagpuan ang number one at nanalo ng 1 milyon sa pa contest ng Unilever, Philippines. Rito mo lamang matatagpuan ang mga taong sadyang malikhain at may kakaibang talento na syang lumikha nito at nag angat sa bayan ng Morong upang makilala sa buong Pilipinas. ONLY IN MORONG.....

Friday, December 22, 2006

Simbang Puto at Higute




Ang simbang gabi na minsa'y kung tawagin ay simbang puto o simbang higute ay rito po lamang ninyo makikita sa Morong. Sa rmai ng taong nagsisimba ay minsa'y mas gusto pa ng ibang humigop na muna ng mainit na supas o higute. Teka... sa iba yata'y sopas at lugaw... medyo sosyal ang tawag ano pa. Rito ay higute at pag swerte ka'y may aabutin ka pang mainit na pandisal at puto bumbong. Sarap....

Sunday, November 19, 2006

Ang Opisyal na Lahok ng Morong sa Unilever Contest




Rito po lamang ninyo makikita sa ating Liwasang Bayan ang Opisyal na Lahok ng Bayan ng Morong sa patimpalak ng Unilever Philippines . Ito po ay nagpapakita ng replika ng ating simbahan gamit ang mga bote ng Ladies' Choice Mayonnaise upang maipakita ang pagkamalikhain ng ating mga kababayan na tumulong upang mabuo ang entry na ito.

Tuesday, April 25, 2006

Balikbayan Night






Balikbayan Night. Ginaganap tuwing Linggo ng Pagkabuhay o makatapos ang Kuwaresma. Ang mga balikbayan at mga panauhin ay nagtitipon-tipon sa Liwasang Bayan at nagsasayawan. Isa ito sa inaabangan ng mga tao para panoorin dahil talagang marami ang mga kabababayan na nagsisiuwi tuwing Mahal na Araw.
(Balikbayan Night. Held every Easter Sunday or after the Holy Week, all balikbayans ang guests gather at the town plaza to celebrate and dance all night. This is one of the most awaited event because many people come home during summer.)

More Salubong pictures......





Tuesday, April 18, 2006

Salubong






Ang Salubong ay ginaganap tuwing araw ng Linggo ng Pagkabuhay. Ang mga tao ay nagpuprusisyon at pinagbubukod ang prusisyon ng mga babaeng poon sa mga lalaking poon. Pagsapit sa dulo ng Hapi-Hapi sa may gitna ng Martinez St. at Raymundo St. ay tatanggalin ng munting anghel ang itim na belo ng Inang Maria at ito ay paghuhudyat na sumapit na ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Pagsasalubungin ang Inang Maria at ang Kristo Jesus. Ipuprusisyon at ililibot sa Plaza ang mga poon at muling ibabalik sa simbahan.
(Salubong happens every Easter Sunday. Procession will proceed to the end of Martinez and Raymundo Sts. and an angel will take off the black veil of Virgin Mary. This symbolizes the new life of Jesus Christ. Mother Mary and son Jesus will be united and will join the procession leading to the town Plaza and will end back in church.)

Misa Bago ang Pagkabuhay






Misa Bago Ang Pagkabuhay. Alas Diyes ng gabi ay nagmimisa sa patio at roon ay sabsay-sabay na sasalubungin pagkatapos ang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus.
(Mass before Easter Sunday. Mass is held in patio at 10 in the evening afterwhich people will proceed to salubungan to celebrate the new life of Jesus.)

Sunday, April 16, 2006

Pagkatapos ng Paglilibing






Pagkatapos ng Paglilibing ay bumabalik ang mga tao sa simbahan at nagtitirik naman ng kandila sa imahen ni San Lorenzo Ruiz at Mama Mary sa grotto.
(After the procession, people go back to patio to put candles to San Lorenzo Ruiz and Mama Mary at the grotto.)

Biyernes Santo







Ang prusisyon kung araw ng Biyernes Santo ay sumisimbulo sa paglilibing kay Hesus. Ang Ambang Señor ay inililibot sa buong bayan kasama ang mga isahang poon na nagsisilbing naglilibing. Maraming nagpuprusisyon kapag ganitong Biyernes Santo dahil ito ay panata ng iba taon-taon katulad ng pagpapasan ng Señor at pagpuprusisyon bilang tanda ng pagluluksa at paglilibing.
(The procession during Good Friday represents the burial of Jesus Christ. Ambang Señor is carried around the whole town together with the other saints. Many people participate in the procession during Good Friday to carry the Señor or to represent their mourning and attendance in Christ's burial.)

Senakulo






Senakulo. Tatlong araw na ginaganap ang Senakulo sa Morong. Nagsisimula ito sa araw ng Miyerkules Santo at nagtatapos sa araw ng Biyernes Santo. Isinasadula ng Senakulo ang buhay at pagpapakasakit ni Kristo hanggang sa pagkapako niya sa krus. Kakaiba ang Senakulo sa Morong dahil ang gumaganap rito ay mga kabataan na magagaling umarte, dahilan kung bakit ito ay dinadayo ng mga taga ibang bayan.
(Senakulo. The life and sufferings of Jesus is shown for three days starting off on Holy Wednesday and ending on Good Friday. It shows the life and sufferings of Jesus Christ up to the time when he was crucified and died. Senakulo in Morong is participated by youngsters who can act and perform well and that is the reason why people from different places come to watch it.)

Thursday, April 13, 2006

Prusisyon (Miyerkules Santo)







Prusisyon sa Araw ng Miyerkules Santo. Ang prusisyon sa araw ng Miyerkules Santo sa bayan ng Morong ay pinupuntahan ng taga ibat-ibang lugar para lamang mapanood nila ang prusisyon ng apatnapung mga poon. Pinakamaraming poon sa buong Rizal, ang prusisyong ito ay isang atraksyon sa bayan ng Morong. Mga taga ibang bayan man o mga banyaga ay pumupunta ng Morong para masaksihan ang prusisyong ito. Ang mga poon ay isa-isang dinadala at iniipon sa patio ng simbahan at pagkatapos ay inililibot sa buong bayan.
(Procession during Holy Wednesday. Having the most number of saints joining the procession in Rizal, Holy Wednesday is an attraction in Morong. People from different places as well as foreigners visit Morong to witness the procession of forty saints. The saints are gathered in patio and the procession go around the whole town.)